Saturday, February 19, 2011

Who The Heck Is Charlie?








If Cupid's descriptions are the same with the ones stated below, you gotta tell him where I am.


I just felt the need to change the information indicated in the "About Me" section of my Facebook account. However, I don't want to just throw the ideas away. So lemme just save them here. ( =

I write the stories of unknown characters--the sound of yawning and the scent of your hair. I assume you've already gone to heaven because you know how to take me there. You didn't come into my life with a 'once upon a time', neither the one who'll create a 'happily ever after'. Just knowing that you're not a part of any fairy tale has always been my sweetest version of 'forever'.
I was quite worried before about how the plot will be. But you defined it the moment you smiled at me.

My prince, my Romeo, where art thou?
I am sad and I need you now.

Charlie loves the color teal.
But writing is actually her first love.
Likes the numbers 8 and 21.
Wears Chucks most of the time.
However, she finds her pair of Toms more comfortable.
Not a crybaby but easily cries, you know.
A certified antukin! (She lives in Gatchalian but reaches Valley 2 sometimes)
Is easily overwhelmed when somebody mentions her name.
For her, "Hoy!" or "Psst" doesn't sound good.
Changes for the better (She brings umbrella now! But she doesn't use it.).
Thinks that pepper and ski are the most interesting words to pronounce.
Admires Adam Sandler and thousands of other fresh-looking guys.
Isn't a fan of the Twilight saga but falls for Edward and Jacob.
Her favorite author is Nicholas Sparks, get the picture?
Bryce and Juli from the novel "Flipped" are her most-cherished characters.
Master Siomai's Japanese Siomai, Turk's Large Beef Shawarma, and Quickly's Super Taro Ice never fail to make her happy.
And oh, Pistachio and Cashew ice cream makes her depart the Earth for a while.
She votes for marshmallows as one of the wonders of the world.
But when it comes to street food, nothing beats the ever-scrumptious isaw.

Bow.

Monday, February 7, 2011

Isali sa Laro si Kupido

Nakatutuwang isipin kung paanong nagbabago ang tingin natin sa mga bagay-bagay habang tayo’y lumalaki. Ang mundo ko noong bata ako ay umiikot sa paglalaro. Ang kalsada ay tinagurian kong pangalawang bahay. Pero ngayon, ang mundo ko ay pahapyaw nang umiikot sa iisang tao-- siya na hindi ko pa kilala. Makikilala pa lang.

Alam kong maraming pagkakaiba ang laro at pag-ibig. Dahil ang huli ay hindi tulad ng patintero na kung saan ang taong mahal mo ay maabot mo mula sa kinatatayuan mo. Hindi rin tulad ng agawan-base na kapag tumakbo ka, laging may hahabol sa’yo. Hindi rin langit-lupa na kapag sumigaw ka ng “Time first!” ay mabibigay talaga niya sa iyo ang ilang minutong kailangan mo. Hindi rin ito piko, na kung saan mo siya iniwan, doon mo siya babalikan. Hindi rin tulad ng luksong-baka na laging may tutulong sa’yo sakali mang hindi mo malampasan ang ilang mga pagsubok. Hindi rin iyon tagu-taguan na isang lingon mo lang sa kaliwa o ‘di kaya’y sa kanan, makikita mo na siya agad. At lalong hindi tulad ng tumbang preso na kung saan lagi kang mayroong pangalawang pagkakataon. Tulad nga sa larong Chess, ang lahat sa pag-ibig ay kadalasang touch-move.

Pero hindi ko pa rin masasabing tulad talaga ng larong Chess ang pag-ibig. Dahil ayokong isiping walang kakayahan ang aking hari na ipagtanggol ako. Na hindi ko siya maaaring makasama sa lahat ng oras dahil isang hakbang lang ang makakaya niyang gawin para sa akin. At wala akong ni katiting na karapatang magreklamo tungkol doon.

Ang mga nabanggit ay base sa natunghayang away mag-syota sa jeep, tsismis ng kapitbahay, teleseryeng naabutan pagbukas ng telebisyon, kwento ng mga kaibigan pagsagot ng telepono, at ilang mga karanasan kong tinipon sa loob ng isang kwaderno.

Napagtanto kong kapag nagpasya kang umibig o gumising nang walang kamalay-malay na umiibig ka na pala, maraming bagay ang hindi mo nakikita dahil nakatabing ang kurtinang ikaw lamang ang nakapapansin. May mga pagkakataong ngawit na ngawit ka na sa pag-abot sa kanya pero hindi mo pa rin makuhang hindi siya para sa iyo. Kahit pa sabihing nariyan lang siya, sobrang lapit niyo na sa isa’t isa na halos amoy na amoy mong nilaga ang ulam niya, nilagang bangus to be specific, hindi iyon sign na you’re freakin’ meant for each other! Na ngayong malaki ka na, pwede kang tumakbo hangga’t gusto mo, pero ‘wag kang umasang lagi ka niyang hahabulin. Maaari ngang ginawa niya iyon noon, pero malamang, nagsawa na siya ngayon.

Kadalasan, kahit ilang beses mong paulit-ulitin sa kanya na importante sa iyong madalas kayong magkasama, mangangako at mangangako lang ulit siya. At kahit mamaos ka na sa pagsigaw ng “I need your time first!” at mabasag man ang eardrums niya, wala kang magagawa. Dahil ang hinihingi mo ay isang bagay na kailangang kailangan din niya. ‘Yun nga lang, kailangan niya ‘yon ng wala ka-- hindi ka kasama.

Marami ring pagkakataon na nand’yan si mommy, nand’yan din si daddy. Isama pa ang brothers, sisters, and friends. Present ang lahat kapag brokenhearted ka. Pero kahit ano pang quotable quotes ang ibigay nila, hindi maalis-alis sa isip mo ang eksena na kung saan naka-yellow na damit siya at sinabing ayaw na niya. Kaya mas pipiliin mong magmukmok sa kwarto at umiyak mag-isa. Tapos pagbukas mo ng radyo, theme song niyo ang pinatutugtog. Labas ka na lang ulit.

Marami rin akong kilala na mistulang nakikipagtagu-taguan sa taong para sa kanila. Ilang taon nang naghihintay, wala pa rin. Sinusunod naman lahat ng nasa Feng Shui, horoscope, pinapasa ang chain messages mapa-text man o e-mail, gumagawa ng mabuti para sa kapwa, walang humpay na nagsasabit ng medyas sa bintana, ngunit bigo pa rin. Pero sila ‘yung mga tipo ng taong magagaling magbigay ng advice. Akala mo expert na expert. ‘Wag kang mag-alala, hindi lang ikaw ang nagsabi ng, “Ouch.” Dalawa kayo.

Mayroon naman ding iba na nakita na iyong taong para sa kanila pero may iba pang hinahanap. Hindi sila nakukuntento sa isa. Pakakawalan ang taong iyon tapos biglang iilaw ang bombilya sa kanang bahagi ng kanyang ulo at ma-re-realize niyang siya lang pala talaga ang mahal niya. Pero ‘yun lang, huli na. Maaaring nagpakasal na ito sa iba o ‘di kaya’y nag-iba na ng preference. Pero ang pinakamasakit sa lahat, wala siyang maibigay na rason, ayaw na lang niya talaga sa iyo.

Marami rin diyan ang nawalan dahil kailangan daw ng space, time mapag-isa, gusto munang mag-focus sa career, in short, mga mapag-inarte. Tapos magsisisi, iiyak, maglulupasay, in short, mag-iinarte. Ano ba naman kasing akala nila sa taong nagmamahal sa kanila, laway? ‘Di ba kasi ang laway lagi lang nand’yan? Ay, oo, kadiri nga. Wala kasi akong maisip na pwedeng paghambingan. Pero seryoso, wala namang maghihintay habambuhay. Kung sinabi man niya ‘yon noon, chika lang ‘yon.

Masasabing may mga ilan ding nagagawang magsakripisyo. Wala naman sigurong tao na gustong magpaka-martir. Nangyayari na lang ang mga bagay-bagay at wala tayong kontrol sa mga ito. Na kahit pa alam niyang hindi kailanman matutumbasan ng taong mahal niya ang ginagawa niya, ayos lang sa kanya. Hindi naman niya ni-re-record kung sino ang higit na nakapagbigay sa araw na iyon at kung sino ang hindi. Dahil ang importante ay ang maging magkasama sila sa huli. Tapos, hindi rin naman pala.

Kaya ngayon, kapag binabalikan ko ang kabataan ko at kung paano ako nagtatakbo sa kalye noong mga panahong iyon, wala talaga akong pinagsisihan. Siyam na taon din siguro ng buhay ko ang hindi nagambala ng problema sa pag-ibig. Dati umiiyak ako pauwi sa bahay dahil nadapa ako o ‘di kaya’y natamaan ng flying and soaring high na tsinelas sa mukha. Pero ngayon, nagmamaktol ako sa kwarto dahil nakita ko si crush na may kasamang iba. Holding hands pa sila.

Ngunit kung susumahin at ikukumpara ang kasiyahan ko noon sa kasalukuyan, masasabi kong mas masaya ako ngayon. Mas matutunog ang mga halakhak ko, mas buo ang mga ngiti, mas buhay ang bawat paggalaw, kahit pa sabihing mas madiin na ang bawat pagpatak ng mga luha sa aking pisngi.

Kaya kahit ilang kwento pa ang marinig o masaksihan ko tungkol sa kabiguan sa pag-ibig, iibig at iibig pa rin ako. Magrereklamo ang tadhana sa akin dahil mas matigas pa ang ulo ko sa nabibiling hopia sa kanto. ‘Yung nasa garapon. Kakalabanin ko si Kupido, pero siyempre, kailangan ko ng kakampi. Alam kong nariyan lang siya sa tabi-tabi. At matatagpuan ko siya sa tamang lugar, sa tamang pagkakataon, nakaupo sa may gilid ng fountain, may dala-dalang bouquet ng flowers tapos...biro lang. Dumating lang siya, masaya na ako.©



Hanapin mo lang siya para sa akin. Pero 'wag mong papanain.