Wednesday, December 7, 2011

Mga Tula Para Kay James Soriano

Diona

Ang diona ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, tatlong taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.

Hindi Sanay sa Filipino

Lenggwahe ng lansangan
At hindi ng mayaman
Doon ka sa kangkungan.

Tanaga

Ang tanaga ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong na may isahang tugmaan.

At Sino Ka?

Itong si James Soriano
Akala mo kung sino
Ayaw ng Filipino
Tanungin mo ang kurso.

Dalit

Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.

Literado

Kawawa ka, James Soriano
'Di sanay sa Filipino
Nakahihigit pa sa'yo
Ang mangmang na katulad ko.

Malayang Taludturan

Ito ay ang tulang isinulat nang walang sinusunod na patakaran kung hindi ang ano mang naisin ng sumusulat. Ito ay ang anyo ng tula na ipinakilala ni Alejandro G. Abadilla. Ayon sa kanya, maaaring makalikha ng tula na walang sukat at walang tugma.

Ako Ang Iyong Mambabasa

'Di ko tatanungin kung saan ka nanggaling
Unang una, wala naman akong pakialam
Pero sana, sana lang
Bago ka magsulat ng kung ano
Isipin mo muna kung para saan ito
Dahil kung para lang sa sarili,
At kung may masasagasaan kang iba,
Wala kang karapatang maging manunulat.

Pinagmulan:

http://filipino-tula.blogspot.com/2010/06/ano-ang-mga-anyo-ng-tula.html

No comments:

Post a Comment