Sunday, July 3, 2011

Alkansya

Mag-iipon na talaga ako ng maraming pera
Para sa susunod na makita kitang may kasamang iba,
May pang-basketball na ako sa Timezone
Pang-order ng pizza kapag home alone
Pambili ng DVD na sobrang iiyakan ko
Higit pa sa nangyari no'ng nakita ko kayo

Lahat ng barya
Ilalagay ko sa alkansya
Baka sakaling makabili ng bagong damit at pantalon
Nag-se-sale pa naman tuwing matatapos ang taon
Kailangan ko na rin ng bagong relo
Sa iba na dapat nakalaan ang buong oras ko

Gusto ko rin ng bagong bag at sapatos
Dahil ang gamit ko ay noong 2009 pa nalaos
Maganda rin sigurong bumili ng cellphone na touchscreen
'Yung tipong ang message alert tone ay hindi bitin
Bumili rin kaya ako ng digital camera?
Sayang naman kasi ang matatamis na alaala

Pero sa liit ng aking sweldo
Sakto lang sa pamasahe at pagkain ko
Bakit pa ako mag-e-effort na kalimutan ka
Sa dami ng gastusin, makalilimutan talaga kita
At kung sakali mang makasalubong kita ulit
Wala namang bayad ang pagtungo
pati na ang pagpikit


--Isang pagsaludo sa mga manggagawang Pilipino.

Tulad nito, naghihingalo na rin ako.

No comments:

Post a Comment