Friday, June 3, 2011

Charlie In Da Haws

And yes, I edited my Facebook profile again.
So, would you mind if I paste it here? d:

______________________0_^____________________

Normal na tao lang din siyang kagaya mo.
Kumakanta rin sa banyo,
Tumitingala pa rin 'pag may dumaraang eroplano,
At nag-pa-panic 'pag may lumilipad na ipis sa kwarto. c",)

Halos lahat ng gamit niya ay kulay itim o 'di kaya'y pula.
Pero teal ang paborito niyang kulay.
Mahilig siya sa sabaw. Kahit mainit na tubig lang na may broth cube ay pinapatos niya.

Gustong gusto niyang makarating sa Paris, France.
Like niyang ma-sight ang Eiffel Tower.
Kaya nga gusto niyang ikasal sa San Sebastian Church bilang ang nag-design naman noon ay si Gustave Eiffel din.
Kung matutupad iyon, para na rin siyang nakapunta sa Eiffel Tower at sa Statue of Liberty.

Pumutok man ang kanyang labi, magtaasan ang kanyang mga balahibo, manginig man ang buo niyang katawan, wala pa ring makapipigil sa kanyang hilingin na sana'y magka-snow sa Pilipinas.
Gusto rin kasi niyang magsuot ng winter jackets at boots habang nakikipagbatuhan ng snowballs sa isang matalik na kaibigan.
Oo, matalik na kaibigan. At para na rin magkaroon siya ng excuse na yakapin ang sino mang gwapong makakatabi niya sa bus.
O 'yung gwapong 'yon ang magkaroon ng dahilan na yakapin siya. Bahala na, depende sa background music.

Aminado siyang mas marami pa sa hair strands niya ang crushes niya.
Hindi man niya natapos ang PhD sa pag-stalk, sumablay man siyang makuha ang parangal na "Greatest Stalker of All Time," maituturing pa rin siyang isang dakilang stalker. d:

Pero sa edad niyang 22, nanay, mga kapatid, at mga kaibigan pa lang niya ang kanyang nai-de-date.

Kung mayroon man siyang first love, 'yun ay walang iba kundi ang pagsusulat. Ang paborito niyang topic ay pag-ibig.
Hindi man nito ipinaliliwanag kung bakit nagkakaroon ng violet pigment ang mga gulay at prutas o kung bakit lahat ng inilalabas ng ating katawan ay mabaho. C: