Tuwing nakikita kita
Ngiti ko'y hanggang outerspace
Naghahalo ang kilig at tuwa
Parang nakakain ng pickles sa mayonnaise
Naiilang ako sa'yo
Tulad ng pagkailang ko sa bangs ni Superman
Sa tuwing magkakasalubong tayo
Parang gusto kong magtata-tumbling sa daan
Sa boses mo pa lang
Kumpleto na ang araw ko
Ipakukulam ko ang hahadlang
Kung sakali mang maging tayo
Ikaw ang gusto kong gift sa Labor Day
Walang pakialamanan ng trip
Gusto ko kasi ngayong May
Habang nag-aabang ako ng jeep
Hindi ma-ke-carry ng taumbayan
Kung gaano kita kagusto
Pag-ibig ko'y 'di mababawasan
Memorized mo man ang songs ni Sarah Geronimo
Kung dumating man ang araw na magtatapat ka sa akin
Naghihintay lang naman ako
I-we-welcome ka ni Tagpi sa bahay namin
Ang haba ng hair ko, hanggang impyerno
Handa kitang pakasalan
Piliin mo mang venue ay Jolo
Dahil kahit saan naman
Mapapa-oo mo pa rin ako
Makatulog na nga, malalim na ang gabi
Bukas na lang ulit
Pinupuyat mo na lang ako parati
Pero ayos lang, sulit na sulit.
Crush, pakasal na tayo.♥

No comments:
Post a Comment