Wednesday, December 7, 2011

Kartuns

Nang magkatinginan kaming dalawa,
Siya 'yung nakita ko.
Pero siya, baka si Sakura.
Hindi ako.

Minsan nung nagkekwentuhan kami,
May binanggit siyang pangalan ng babae.
Narinig kong umiyak 'yung puso ko.
Grabe, parang si Mojaru sa Mojacko.

Napapangiti ako kapag ngumingiti siya.
Nahawa na 'ata ako kay Spongebob.
O baka sa aming dalawa,
Ako 'yung mas mukhang tanga.

Gusto kong mag-ala-Shinichi o Conan
Para lang malaman
Kung may nararamdaman ba siya kahit kaunti,
Kung iniisip din ba niya ako palagi.

Hindi siya kasing gwapo ni Goku, ni Tamahome, o ni Eugene
Pero hindi ko alam kung ba't ganito ang epekto niya sa akin
Hindi rin naman ako kahawig ni Chi-Chi, ni Miaka, o ni Jenny
Kaya hindi na ako magpapaka-choosy.

Kung tutuusin, para siyang si Nobita.
Hindi 'yung tipo niya ang pinangarap kong makasama.
Mas bulag yata ako kaysa sa pag-ibig.
Sana lang talaga hindi ako mag-isang kinikilig...


Paano kung para sa'yo pala ako?

No comments:

Post a Comment