Naglalakad sa kanto,
Didiretso sa bahay
Sinipa ang bato
Alam kong walang naghihintay
Nasulyapan ang telepono
Biglang bagsak ng mga luha ko
Matutulog nang maaga
Bukas paggising ko, limot ka na
Hinatak ko ang kumot
Niyakap ko ang unan
Pinipilit makalimot
Aabutin yata ng walang hanggan
Sumilip sa labas
Buti pa ang gabi, maaliwalas
‘Di tulad ng isip ko
Binabalik-balikan pa ang mga alaala mo
Nakita ko yata ang iyong mukha
Ngunit dagling nagtago sa ulap
Kahit sa imahinasyo’y lumalayo ka
Paano ko sisimulang mangarap?
Kung doon lang kita makakasama
At mamahalin mo ako sa tuwina
Pero alam kong lahat ay pagpapanggap
Hindi na lang siguro ako mangangarap
Hanggang tanaw lang.

Nasaktan ako sa poem na to. You're so good! Following you na, http://hazelmei.wordpress.com/ mag wordpress ka na din at ng mas madalas kong masubaybayan ang makata skills mo ;D
ReplyDelete