Dati,
Ayaw na ayaw kong kumain nang mag-isa.
Pero nang masubukan ko kanina,
Okay lang din pala.
Walang hinihintay,
Walang hinahabol,
Walang ibang iniintindi,
Sarili ko lang.
Pero sasabihin ko pa ring hindi.
Lalo pa't may kaingayan ang nasa kabilang lamesa.
Hindi pa rin mas masayang kumain nang mag-isa.
Iba pa rin ang dating kapag ika'y tinititigan
Ng kasamang nakaupo sa iyong harapan.
O 'di kaya'y mapagsasabihan
Ng lantang joke na narinig mo sa radyo,
Ng makukurutan ng ulam kapag ubos na 'yung sa'yo,
Ng mahihingian ng kanin
Kapag ikaw ay nabitin.
At hindi ng langaw na ubod ng bastos,
'Di man lang makahalatang hindi ka pa tapos.
Kaya hindi.
Hindi mas masayang kumain nang mag-isa.
Matagal pa ba?

No comments:
Post a Comment