Saturday, June 5, 2010

Magkakilala

Ikaw at ako
Kahit pagkakaibiga'y hindi sigurado
Hindi naging malapit sa isa't isa
Pareho tayong nasa piling lagi ng iba

May mga pagkakataong nais kong isipin
Na ang nararamdaman mo ay ganoon din
Ngunit paano ko mapaniniwala ang aking sarili
Kung ang sitwasyon natin ay tulad pa rin ng dati

Masyado ba akong nakapirmi sa mga pinaniniwalaan ko
Ni hindi makatingin, hindi makalapit sa'yo
Tumatakbo ang oras, para akong maiiwanan
Matatapos na ang palabas, hindi ko man lang nasimulan

Paano kung magkasalubong tayo, isang pagkakataon
Mga ilang linggo o buwan mula ngayon
Papansinin mo kaya at ngingitian ako
O 'di na sasagi sa isip na magkakilala nga pala tayo?

No comments:

Post a Comment