5 MB na kantang ipinapasa via infrared
Pagsuko ng isa sa mga naitalang “Most Wanted”
Takdang oras ng matandang naghihingalo
Ikaw at ang pag-ibig mo
Pag-uwi ng asawa mula sa Dubai
Ebidensyang magsasabi kung peke ba o tunay
Suweldo para mabili ang damit na nakita
Sagot sa tanong na kung babalik ka pa
Pagbayad ng taong matagal nang sinisingil
Pagpula ng ilaw para pansamantalang tumigil
Pagtalab ng gamot na ininom kanina
Baka nakalimutan mong hinihintay kita
Araw ng paglaya mula sa bilangguan
Pinangakong pasalubong na mga laruan
Pagkulo ng sinaing na nakasalang
Lahat ng tao ay may hinihintay
At nagbabalak lampasan ang habambuhay
Gaano ba kasi kalayo ang mula rito patungo sa’yo?
Naghihintay kasi ang nakalimutang daan
at ang kinalimutang ako

I LOVE THIS.
ReplyDeleteThanks, Judy! Nagkakasundo tayo sa ganitong mga bagay. HAHAHA!
ReplyDelete