May mga bagay raw talaga na makita mo lang, masaya ka na.
Parang 'yung palabas sa TV kanina
May magagawa ka pa ba kung tapos na?
Napipilitan ka tuloy maghanap ng iba.
Pero wala,
Naghahanap ka nga,
Bumabalik at bumabalik ka pa rin naman sa kanya.
Siguro kasi, doon ka masaya.
Sumusubaybay, naghihintay, 'di ka nagsasawa.
May pagngiti, pagkatakot, at pagpatak ng mga luha.
Nagbibigay kasi siya ng dahilan para mag-abang ka.
Tapos hayun, matatapos lang din naman pala.
Marami ka na nga sigurong napanood na palabas.
Sinubaybayan mo mula umpisa hanggang wakas.
At mayroong isa sa kanila na gustohin mo mang panoorin ngayon,
'Di mo na maibabalik kasi hanggang doon na lang talaga 'yon.
Alam kong napadaan ka lang.

No comments:
Post a Comment