Sunday, July 3, 2011

Himpilan

Hindi na kita iniisip
'Di gaya dati
Kahit sa panaginip
Sumisingit ka parati

Hindi na kita hinahanap
'Di tulad noon
Iba man ang kaharap
Tinatanaw ka pa rin doon

Hindi na kita ipinagdarasal
'Di gaya noong isang linggo
Nainip na marahil sa sobrang tagal
'Di rin naman ikaw ang makakasama ko

Hindi na kita iniiyakan
'Di gaya kahapon
Nakailang baliktad ako ng unan
Para sa isa pang pagkakataon

Hindi na kita hinihintay
'Di gaya noong isang araw
Hindi pa kasi ako sanay
Kaya tinitigan ka nang panakaw

May mahal na kasi akong iba
Hindi ko pa pala nasasabi sa'yo
Pero ng makasalubong kita sa istasyon kanina
Pati 'yung tren,
Iniwan ako.



Inaabangan ka pa rin.

No comments:

Post a Comment